Linggo, Agosto 7, 2016

DAVAO CITY








DAVAO CITY


Ang Lungsod ng Dabaw (KastilaDavao) ay isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa Pilipinas at ang sentro ng pakikipagkalakalan at pananalapi sa Mindanao. Ito rin ang pinakamalaking lungsod sa Pilipinas ayon sa sakop ng lupain, na may higit sa 2444 kilometro kwadrado. Ang lungsod rin ang nagsisilbing sentro ng Kalakhang Dabaw, ang pinakamataong sentrong urbano sa Mindanao. Ito ay isa sa mga lungsod ng Pilipinas na nagmamahalang nagsasarili, bagaman pinapangkat ito sa lalawigan ng Davao del Sur para sa ibang layuning estadistiko. Ang lungsod ay sentrong pangrehiyon din ng Rehiyon ng Davao (Rehiyon XI).

Ayon sa senso noong 2010, mayroon itong populasyon na 1,449,296 katao. Sa katunayan ang lungsod ang pinakamalaking lungsod sa Pilipinas sa labas ng Kalakhang Maynila at ang ika-4 sa bansa







MAPA NG DAVAO SA PILIPINAS










MGA PRODUKTO SA DAVAO




DURIAN

Ang durian o duryan ay prutas ng ilang puno na matatagpuan sa Timog-silangang Asya. Kilala ang prutas na ito sa kaniyang pagiging malaki, matinding amoy, at may matinik na balat






BAGOONG ALAMANG


DURIAN ICE CREAM








KAPISTAHAN SA DAVAO



Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao.
Ang salitang “Kadayawan” ay nagmula sa katutubong salitang “dayao” na ang ibig sabihin ay “madayaw” – isang ekspresyon na ginagamit din upang ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte.


MAGAGANDANG PASYALAN SA DAVAO

EDEN NATURE PARK

KASAYSAYAN
Ang Eden Nature Park ay matatagpuan sa Lungsod Davao at may taas itong 3 libong talampakan mula sa rabaw ng karagatan. Ang 95 porsiyento nito ay purong gawa lamang ng mga tao! Ito ang nagsisilbing patunay na magaling ang mga Filipino.
Nadiskubre ito noong 1971 at tanging trosohan at damong-ligaw lamang ang matatagpuan rito. Ang pinakakahanga-hanga tungkol rito ay ating matatanaw ang buong lungsod ng Davao at maging ang gulpo nito. Di nagtagal ay nagtanim ang mga tao ng tinatayang isandaang libong pine trees sa walumpung ektarya ng lupa ng nasabing pook-pasyalan
Ang pook-pasyalang ito ay matatagpuan sa Matina Town Square, McArthur Highway, Matina, Lungsod ng Davao

Tanawin

Ang mga sumusunod ay ang mga matatagpuang tanawin sa Eden Nature Park:
  1. Ampitheatre - ito ay hango sa sinaunang sibilisasyong Romano. Dito ginganap ang mga kasalan, konsyerto at iba pang mahahalagang okasyon.
  2. Plaza Maria - itinayo para sa Immaculate Concepcion. Ito ay ang pook para sa Birheng Maria.
  3. Jogging Lane at Hiking Trails - ito ay ang lugar kung saan maaaring magehersisisyo ang mga tao.
  4. Suwiming Pul - ito ay matatagpuan sa tuktok ng parke, ito ay ang pinakamagandang lugar upang makapagpahinga at makasama ang pamilya at kaibigan


DAVAO CROCODILE PARK


Matatagpuan ang Davao Crocodile Park sa Riverfront, Corporate City Diversion Highway, Ma-a, Lungsod Davao. Dito matatagpuan ang mga mababangis na buwaya, kasama na ang pinakamalaking buwaya sa Filipinas, si "Pangil".
Nagsimula ang Davao Crocodile Park mula sa pagkagiliw ng may-ari nitong si G. Philip Dizon, sa mga buwayang tubig-alat at tubig-tabang. Hindi niya inakalang mapagkakakitaan niya ang mga ito hanggang nalaman niyang ang mga buwaya ay hindi lamang sikat na bistahan kundi pati rin sa pruduksyon ng balat. Kaya naman noong November 1995 ay naitayo ang 1st Davao Crocodile Park. Ngayon, ang Davao Crocodile Park Inc. ay pinapangasiwaan ng isang grupo ng mga negosyante na pinangungunahan ni G. Sonny Dizon.
Maipagmamalaki ang Davao Crocodile Park dahil makikita rito ang napakaraning buwaya na iba-iba ang laki. Pinakakain ang mga buwaya dalawang beses sa isang linggo (ang pagkain ng buwaya ay kailangang 5% ng bigat nito) at ang mas malalaking buwaya ay nakalagak sa hiwalay na maliit na lawa at hardin (inihahagis na lamang ang kanilang pagkain na hiwa-hiwang laman ng baboy)samantalang ang maliliit namang buwaya ay pinakakain nang personal sa kanilang mga kulungan.
Tahanan din ito ng iba't ibang sari ng ibon gaya ng peacocks, pabo, at may iba't ibang sari ng ahas. Ang bayad sa pagpasok ay Php 50 para sa mga bata at Php 100 para naman sa matatanda.

MAGAGANDANG LUGAR SA DAVAO


Ang Island Garden City of Samal (IGaCoS) o Lungsod Samal ay kumpol ng mga isla na matatagpuan sa Golpo ng Davao, sa katimugan ng Davao del Norte, Rehiyon ng Davao, MindanaoPilipinas. Ito ay itinatag bilang isang lungsod noong Marso 7, 1998.

mt apo

Ang Bundok Apo ay isang bundok na nasa Davao sa Pilipinas. Ito ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ang Bundok Apo ay ang siyang pinakamataas na bundok sa Pilipinas sa taas na 2,954 metro. Ang geothermal energy ang pinaggalingan sa bundok na ito. Wala pang ulat ng pagputok ng bulkan ng huling panahon.
Noong Mayo 9, 1936, idineklara ni pangulong Manuel L. Quezon na Pambansang Liwasan.


TOP  BEACHES IN DAVAO CITY

PEARL FARM BEACH
Resulta ng larawan para sa PEARL FARM BEACH RESORT TAGALOG

Isang maganda at tahimik na isla ang Samal kung saan ang buhangin ay puti, mayroong mayamang yamang dagat, at iba't ibang puno at mga halaman. Ang Pearl Farm ay may lawak na labing apat na hektarya kung saan dinadala ang libu-libong talaba mula sa dagat ng Sulu, upang alagaan at linangin upang para sa kanilang rosas, puti at gintong mga perlas. Dalawang lumubog na sasakyang pandagat ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang matatagpuan naman animnapung metro mula sa resort. Ang mga yamang dagat dito ay pinangangalagaan at lalo pang nililinang at ang lupang nakapaligid dito ay idineklara bilang isang marine sanctuary.

COSTA MARINA RESORT


KAPUTIAN BEACH PARK RESORT

Kaputian Beach Park Resort is one of the great Resorts that Samal Island has. This resort is operated by the local government of Samal. The resort is located just with in the Southern coast of Samal Island. The resort takes pride with its authentic talc like sand and crystal clear blue waters that stand among the many resort in this island.


SAMALAN CAMP SEA
If you think you’ve been around the whole Samal Island and have seen all that comprise to make it the Island Jewel of Davao Region, wait until your feet bring you to the southernmost portion of this island city and see the pristine side of the Davao Gulf. I tell you, it will leave you dumbfounded.

Samalan Camp COVER
































1 komento:

  1. Lucky Club casino site 2021
    Lucky Club is a site where you can play casino games for real money. The site is the latest addition to the online gaming experience. Its  Rating: 3.6 · ‎3 luckyclub.live votes

    TumugonBurahin